Hindi bababa sa 22 estudyante at school personnel ang sumama ang pakiramdam makaraang ma-expose sa “colored smoke” na ginamit para sa special effects sa isang presentation sa Bacolod City College.
Ayon kay Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Anna Maria Laarni Pornan, apat na estudyante at dalawang public order and safety personnel ang isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.
Nakaranas ang mga mag-aaral ng pananakit ng dibdib habang isa sa dalawang personnel ang hinimatay.
Sinabi ni Pornan na isang team ang gumamit ng colored smoke bilang bahagi ng kanilang presentation sa physical education class.
Idinagdag ni Pornan na kulob at walang bentilasyon sa pinagdausan ng event. —sa panulat ni Lea Soriano