dzme1530.ph

Mahigit 1M estudyante, apektado ng suspensyon ng F2F classes

Mahigit isang milyong mag-aaral ang apektado ng suspensyon ng face-to-face classes sa mga lugar na nakararanas ng matinding init ng panahon.

Sa tala mula sa Department of Education (DEPED), halos 4000 paaralan mula sa 12 rehiyon ang nagdeklara ng paglipat sa alternative mode of teaching, gaya ng modular learning at online classes, at apektado nito ang halos 1.4 na milyong mga estudyante.

Ang mga apektadong rehiyon ay kinabibilangan ng NCR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at SOCCSKSARGEN.

About The Author