dzme1530.ph

Mahigit 1K drum ng tumagas na langis, narekober mula sa San Isidro River sa Laguna

Loading

Umabot na sa mahigit 1,000 drum ng langis ang narekober mula sa San Isidro River sa San Pedro River sa Laguna.

Kasunod ito ng oil spill matapos masunog ang warehouses sa Kengian Complex noong Jan. 24.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpapatuloy ang kanilang cleanup operations, katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Offices sa Biñan at San Pedro, at Harbor Star.

Bago ang cleanup operations ay naglatag ang PCG ng oil spill booms upang maiwasang ma-kontamina pa ang tubig at mapabilis ang pangongolekta sa mga tumapong langis.

Hanggang kahapon ay kabuuang 1,231 drums o 246,170 liters ng oil at oil-contaminated water ang nakolekta sa San Isidro River.

About The Author