Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 1,006 na cholera cases at 3,285 na kaso ng typhoid fever simula Enero 1 hanggang Marso 28, 2023.
Mas mababa anila ito ng 6% kumpara noong nakaraang taon na may 1,065 cases sa kaparehong panahon.
Pinakamarami namang naitalang cholera cases ang Eastern Visayas na pumalo sa 695 sinundan ng Bicol region, 106; Western Visayas, 63; Zamboanga Peninsula, 58; at Davao region na may 55 cases.
Samantala sa naitala namang kaso ng typhoid fever, sinabi ng DOH na mas mataas ito ng 101% kumpara sa 1,633 cases noong nakaraang taon.
Nanguna sa pinakamaraming kaso ay ang Cordillera Administrative Region, sinundan ng Northern Mindanao na may 423 kaso; MIMAROPA, 327; at Central Visayas na may 326 na kaso ng typhoid fever. —sa panulat ni Jam Tarrayo