Kabuuang 1,707 sirena o wang-wang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling o flashing devices ang kinumpiska ng Highway Patrol Group (HPG) sa nakalipas na buwan.
Sa datos mula sa HPG, 300 mula sa mga kinumpiskang items ay blinkers habang 11 ang sirena o wang-wang.
Sinabi ni HPG Director, Brig. Gen. Alan Nazarro, na karamihan sa illegal attachments na nakumpiska ay led lamps na nasa 957; fog lights, 179; modified mufflers, 134; horns, 78; at strobe lights, 48.
Ayon naman kay HPG Special Operations Division Head, Col. Joel Casupanan, ang mga item ay kinumpiska simula March 25 hanggang April 22.