dzme1530.ph

Mahigit 16,000 guro sa buong bansa, na-promote

Loading

Aabot sa 16,025 na guro sa buong bansa ang opisyal nang na-promote ng Department of Education, habang 41,183 pa ang nasa proseso at naipasa na sa Department of Budget and Management para sa susunod na batch ng promosyon.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang guro ang dapat mag-retiro bilang Teacher I.

Sa pamumuno ni DepEd Secretary Sonny Angara, ipinatupad ang Expanded Career Progression System, na naglalayong pabilisin at linawin ang career path ng mga public school teacher.

Batay sa datos ng DepEd, 41,183 guro ang nasa pila para sa promosyon. Sa bilang na ito, 18,007 ang target na makakuha ng maximum na three-salary-grade leap, habang 29,017 naman ang aakyat ng isa o dalawang salary grade, habang nililinis ang regional backlogs at pinapabilis ang mobility sa hanay ng mga guro.

Sa mga three-step advancements, 3,171 ang umangat mula Teacher I hanggang Teacher IV, 3,374 mula Teacher II hanggang Teacher V, at 11,462 mula Teacher III hanggang Teacher VI.

Mayroon din 16,883 Teacher I na mapo-promote patungong Teacher III.