dzme1530.ph

Mahigit 14k indibidwal, inilikas sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Mahigit 14,000 residente na ang lumikas sa gitna ng patuloy na pag-a-alboroto ng Bulkang Mayon, sa Albay, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa latest situational report, inihayag ng NDRRMC na kabuuang 13,792 individuals o 3,782 families ang nananatili 22 evacuation centers habang 584 individuals o 156 families ang nanunuluyan sa ibang lugar.

Sa mga lumikas na pamilya, 883 ay mula sa Camalig, 57 mula sa Ligao, 615 mula sa Daraga, 1,046 mula sa Guinobatan, 899 mula sa Malilipot, at 438 mula sa Tabaco.

Samantala, nakapagbigay na ang pamahalaan ng P20.1-M na halaga ng tulong sa Region 5. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author