dzme1530.ph

Mahigit 10K POGO workers, nag-file ng visa downgrading

Umabot na sa mahigit 10,000 dayuhang POGO workers ang nakapaghain na ng visa downgrading, bago ang deadline, ayon sa Bureau of Immigration.

Mayroong hanggang Oct. 15 ang mga dayuhan para boluntaryong i-downgrade sa tourist visas ang kanilang 9G visas, at pagkatapos nito ay mayroon na lamang silang hanggang katapusan ng taon para lisanin ang bansa.

Binigyang diin ni Immigration Commissioner Joel Viado na wala ng extension para sa mga hindi makatatalima sa deadline.

Ayon sa BI, pinapayagan sa VISA downgrading ang mga dayuhan na i-revert ang kanilang status mula sa work visa patungong temporary visitor visa, upang legal na makapagtrabaho sa Pilipinas sa loob ng 59 na araw. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author