dzme1530.ph

Mahigit 104-M sim cards, rehistrado na!  

Pumalo na sa mahigit 104-M ang bilang ng mga rehistradong sim card sa bansa.  

Batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nasa 104,076,843 ang total registered sim cards as of July 19, 2023.  

Katumbas ito ng 61.94% mula sa kabuuang 168,016,400 na subscribers.  

Nanguna sa may pinakamaraming bilang ng na-irehistrong sim ang Smart telco na may 49.2-M.  

Sinundan ito ng Globe na may 46.47-M registered sim cards at DITO telco na may 7.4-M registered sims. 

Nanindigan naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi na palalawigin ng ahensya ang sim registration at ang mga unregistered sim card ay agad na mawawalan ng connection sa ganap na alas-12:01 ng hatinggabi sa Hulyo a-26. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author