Umabot na sa 118,000 electric consumers sa National Capital Region at mga karatig-probinsiya ang nananatiling walang suplay ng kuryente dahil sa mga pagbaha dulot ng habagat.
Ayon sa Meralco, as of 10 a.m., nasa 88% ng mga apektadong konsyumer ang lubog pa rin sa baha, habang nasa 11% naman ang nasa “ongoing restoration” stage.
Sa kabuuan, nasa walong milyong Meralco consumers ang naapektuhan ng interapsyon sa serbisyo ng kuryente dahil sa masamang lagay ng panahon.