dzme1530.ph

Mahigit 1,000 relief packs, naihatid ng PAF sa mga nasalanta sa Abra

Loading

Naihatid ng Philippine Air Force ang 1,057 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development para sa mga residenteng nasalanta ng habagat at ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong sa Abra.

Sa tulong ng mga Sokol at Black Hawk helicopters mula sa 505th Search and Rescue Group at 205th Tactical Helicopter Wing, naipamahagi ang tulong sa mga lugar na matinding naapektuhan ng sama ng panahon, katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Partikular na inihatid ng Sokol helicopter ang 385 family food packs sa mga barangay ng Agsimao at Caganayan sa Tineg, Abra, habang ang Black Hawk aircraft naman ay nagdala ng 672 food packs at 162 sako ng relief goods sa Barangay Agsimao at Talipugo sa Tineg, at sa bayan ng Lacub.

Ayon sa Philippine Air Force, hindi lamang pagbabantay sa seguridad ang kanilang mandato, kundi kasama na rin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

About The Author