dzme1530.ph

Mahigit 100 OFWs mula sa Lebanon, inaasahang darating sa bansa

Loading

131 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon ang inaasahang makauuwi ng bansa, sa gitna ng nagpapatuloy na geopolitical tensions sa Middle East.

Kinumpirma ito ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, kasabay ng pagsasabing ang darating na 131 OFWs ay kinabibilangan ng siyam na dependents.

Sinabi ng Kalihim ang mga magbabalik bansa ay binubuo ng dalawang batch, na ang una ay darating ngayong Lunes, na kinabibilangan ng 52 OFWs na may isang dependent.

Bukas naman aniya inaasahan ang pagdating sa 79 OFWs na mayroong walong dependents.

Sa datos mula sa Department of Migrant Workers, nasa 1,569 OFWs at 68 dependents ang ligtas na nakauwi sa Pilipinas mula sa Lebanon, simula nang sumiklab ang Israel-Hamas conflict noong October 2023.

About The Author