dzme1530.ph

Mahigit 1.5k climate group protesters, inaresto sa Netherlands

Inaresto ng mga otoridad ang mahigit 1,500 na katao na miyembro ng Extinction Rebellion Climate group sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa Dutch police, hinarang ng mga aktibista ang isang bahagi ng motorway bilang protesta laban sa fossil fuel subsidies ng Dutch.

Kung kaya’t kinailangan aniya ng mga pulis na gumamit ng water cannon upang ikalat ang mga aktibistang humaharang sa naturang kalsada at inaresto ang kabuuang 1,579 protesters.

Nanindigan naman ang climate group na patuloy nilang ipaglalaban na ang pagbabago ng klima ay isang lumalaganap na krisis at fossil fuel ang dahilan ngunit tinutulungan pa anila ito ng gobyerno kung kaya’t kailangan na itong itigil. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author