Umabot sa 1,370 classrooms ang napinsala ng Bagyong Opong at ng Habagat, ayon sa Department of Education.
Batay sa situation report ng ahensya, mula sa naturang bilang: 891 ang may minor damage, 225 ang may major damage, 254 ang tuluyang nawasak.
Iniulat din ng DepEd na apektado ang 13.3 milyong mag-aaral at 569,000 personnel mula sa halos 23,800 public schools sa 13 rehiyon ng bansa.
Pinakamaraming naapektuhang mag-aaral ay mula sa Bicol Region, Eastern Visayas, Calabarzon, Central Luzon, at Mimaropa.
Nakapagtala rin ng 121 paaralan na kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers.