dzme1530.ph

Mahigit ₱4-M halaga ng taklobo, nasamsam sa Iloilo

Pitumpung sako o mahigit dalawang tonelada ng giant clams o taklobo ang kinumpiska ng mga awtoridad, sa Gigantes Island sa Carles, Iloilo.

Tinaya ang halaga ng mga nasamsam na taklobo sa mahigit ₱4-M.

Ayon sa Iloilo Maritime Police, bigo ang suspek na makapag-prisinta ng mga dokumento matapos mahuling nagbebenta ng giant clams.

Mahaharap naman ang suspek sa paglabag sa Philippine Fisheries Code na may parusang 12 hanggang 20 taon at multa na doble ng administrative fine, forfeiture ng species, at kanselasyon ng fishing permit. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author