Target ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mahigit ₱250 billion pesos Investment approvals para sa susunod na taon.
Sinabi ni PEZA Director-General Tereso Panga na nais nilang ibalik ang peak levels ng ahensya noong panahon ni dating PEZA Chief Lilia De Lima kung saan umaabot sa 250 hanggang 300 billion ang investment approvals.
Ngayong 2023 ay umabot sa ₱175.71 billion pesos ang halaga ng inaprubahang investments ng PEZA na kumakatawan sa 24.9 % na increase kumpara sa 140.7 billion pesos noong 2022.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News