dzme1530.ph

Mahigit ₱2-B halaga ng iligal na sigarilyo, dudurugin ng BIR

Loading

Nakatakdang durugin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ₱2.1-B na halaga ng mga iligal na sigarilyo sa 12 lugar simula ngayong Lunes hanggang sa Biyernes.

Ayon sa BIR, kabuuang 14.3 milyong pakete ng sigarilyo na may tax liability na tinaya sa ₱6.4-B at cigarette-making machines ang wawasakin ngayong linggo.

Magsisilbing primary destruction hub ang Digama Waste Management Services sa Porac, Pampanga.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang pagwasak sa illicit goods ay patunay ng commitment ng ahensya sa paglaban sa iligal na kalakalan at proteksyon sa mga lehitimong negosyo.

About The Author