dzme1530.ph

Mahigit ₱1 tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng malakihang bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo, bukas.

Sa anunsyo ng oil companies, ₱1.55 ang itatapyas nila sa kada litro ng gasolina habang ₱1.30 sa diesel.

Babawasan din ng ₱1.40 kada litro ang presyo ng kerosene o gaas.

Noong nakaraang linggo ay taas-presyo ang sumalubong sa mga motorista pagpasok ng buwan ng Setyembre. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author