Target ng Maharlika Investment Corp. (MIC) na maabot ang ₱1.78 billion na gross returns ngayong 2025.
Matapos matuos ang lahat ng operating expenses, transaction fees, at taxes, target ng sovereign wealth fund ng bansa na makamit ang net return na ₱1.01 billion sa pagtatapos ng taon.
Ang net return target ay 62.3 percent na mas mababa kumpara sa nailatag ng MIC sa debut year nito na ₱2.68 billion.
Plano rin ng wealth fund na maglaan ng halos ₱35 billion na investments para maabot ang kanilang target, para sa net return na ₱4.09 billion mula sa kanilang overall capital base.