Inaasahang sa pagtatapos pa ng taon magiging fully operational ang Maharlika Investment Fund Act o ang batas na nagtatag ng sovereign wealth fund ng gobyerno na gagamitin sa pag-iinvest.
Sa dokumentong ibinahagi ng Malakanyang kaugnay ng nilalaman ng batas, nakasaad ang mga hakbang na kailangang gawin matapos ang enactment.
Kabilang dito ang pagbuo at agarang paglalabas ng Implementing Rules and Regulations, at paghanap ng mga magiging board of directors at bubuo sa management team ng Maharlika Fund, at sila ay dapat mayroon outstanding track record at proven integrity.
Bubuuin din ang investment at risk strategies para sa epektibong pamamahala sa Maharlika Fund, at paglulunsad ng agresibong local at international investment marketing strategy para maipakilala ang wealth fund.
Matatandaang ngayong araw ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Maharlika Fund Act para sa pagkakaroon ng wealth fund na gagamitin sa pag-iinvest upang ito ay mapalago at makapagbigay ng dagdag-kita sa pamahalaan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News