Posibleng mai-transmit na sa Malakanyang sa susunod na linggo ang enrolled bill ng Maharlika Investment Fund.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri matapos maipadala na sa Office of the House Speaker ang pinirmahan niyang enrolled bill.
Kasabay nito, inihayag ni Zubiri na kumpiyansa siyang malulusutan ng panukala ang anumang pagkuwestyon sa ligalidad nito.
Sa kabilang dako, nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagturing na tampering ang ginawang perfecting amendments ng Senado sa panukala kahit inaprubahan na ito sa 3rd and final reading at inadopt ng Kamara.
Sinabi ni Pimentel na dahil wala namang naganap na bicam meeting sa panukala ay hindi na dapat pa ginalaw ang anumang probisyon na inaprubahan sa final reading. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News