Mag-iinvest ang Maharlika Investment Corp. para sa pagkakaroon ng 20% shares sa National Grid Corporation of the Philippines.
Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa Malakanyang ng binding term sheet sa pangunguna nina MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing, Jr., at Synergy Grid and Development Philippines Inc. Chairman Henry Sy Jr..
Ang SGP ay mayroong 40.2% effective ownership interest sa NGCP.
Sa oras na makumpleto ang acquisition ng shares, ang MIC ay magkakaroon ng dalawang seats sa SGP Board, at dalawang seats sa NGCP Board.
Iginiit ni Consing na kailangang magkaroon ng boses ng gobyerno sa mga desisyon ng NGCP.
Sinabi pa nito na ang flagship investment ay makatutulong sa pag-protekta sa suplay ng enerhiya laban sa external threats at disruptions. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News