dzme1530.ph

Maharlika Fund, iprinisenta ng Pangulo sa world leaders at foreign businesses sa Singapore

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund sa harap ng foreign businesses at world leaders sa Singapore.

Sa kanyang talumpati sa 10th Asia Summit, iprinisenta ni Marcos ang Sovereign Wealth Fund na magsasama-sama sa investible funds ng government financial institutions, upang mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya sa pamamagitan ng domestic at overseas strategic investments.

Ipinagmalaki rin ni Marcos ang mga ipinatupad na reporma para sa pagpapagaan ng mga panuntunan sa public services, retail, at renewable energy.

Binanggit din nito ang naitalang 7.6% na paglago ng ekonomiya ng bansa noong 2022, at ang bentahe ng pagiging miyembro ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Kaugnay dito, hinikayat ni Marcos ang foreign companies na i-konsidera ang Pilipinas bilang isang investment destination. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author