Ipapakilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund sa nakatakda niyang state visit sa Malaysia.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita-Daza na tatalakayin at ipo-promote ng pangulo ang Maharlika Fund sa Malaysian trip.
Matatandaang pagkatapos ng ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) ay kaagad magtutungo ang Pangulo sa Malaysia para sa tatlong araw na state visit mula July 25 hanggang July 27.
Bahagi ng aktibidad sa state visit ay ang pakikipagpulong sa pangulo sa mga prominenteng Filipino at Malaysian business leaders, kung saan makakasama ni Marcos ang kanyang economic team at Philippine Business Delegation.
Mababatid na sa ilalim ng Maharlika Investment Act, maaari ring ilagak ng gobyerno ang sovereign wealth fund sa foreign investments. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News