Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund Bill, bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address sa July 24.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, isinusulong ng economic team ang pagsasabatas sa Maharlika Bill bago ang SONA.
Matatandaang una nang kinumpirma ng Presidential Communications Office na ang kopya ng Maharlika Bill ay natanggap na ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, matapos itong kapwa maaprubahan ng liderato ng Kamara at Senado.
Una na ring tiniyak ng pangulo na kaagad niyang lalagdaan ang Maharlika Bill sa oras na matanggap niya ito.
Ang Maharlika Bill ay kasama sa 42 legislative measures na inaprubahan sa unang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting noong Oktubre 2022. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News