dzme1530.ph

Mahalagang papel ng media sa demokrasya at pag-unlad ng bansa, kinilala ng gobyerno

Kinilala ng gobyerno ang napakahalagang papel ng media sa development, demokrasya, at progreso ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa National Press Week, pinuri ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang tungkulin ng Press sa pagsasala ng katotohanan mula sa kathang-isip, pagpapa-alala ng pananagutan para sa mga makapangyarihan, at pagbibigay ng boses sa marginalized sector.

Kaugnay dito, sinabi ni Pangandaman na ito ang tamang panahon upang bigyang pagkilala ang galing, tapang, sakripisyo, at sigasig ng mga mamamahayag na walang pagod na gumaganap sa kanilang tungkulin upang makapaghatid ng balita sa publiko.

Umaasa ang Kalihim na ang panulat ng mga journalist ay magiging instrumento ng pagbabago, at ang kanilang mga salita at boses ay magiging ilaw ng pag-asa tungo sa masiglang hinaharap.

About The Author