![]()
Ang biotin ay isang uri ng bitamina na kilala rin bilang Vitamin B7, na may malaking papel sa pagpapanatili ng malusog na buhok, balat, at mga kuko.
Ayon sa mga pag-aaral, ang biotin ay tumutulong sa pag-convert ng pagkain sa enerhiya at sumusuporta sa maayos na pagganap ng metabolism.
Mahalaga ito sa pagbuo ng keratin, ang protina na nagpapatibay sa buhok at kuko.
Kapag kulang ang biotin sa katawan, maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng paglalagas ng buhok, pamumula ng balat, panghihina, at pagkakaroon ng brittle nails.
Bagama’t bihira ang kakulangan sa biotin, mas nanganganib dito ang mga buntis, mga may malnutrisyon, at mga umiinom ng ilang uri ng gamot.
Maaaring makuha ang biotin sa mga pagkain tulad ng itlog, mani, saging, at whole grains.
Ipinapayo naman ang pagpapanatili ng balanseng diyeta upang matugunan ang pangangailangan ng katawan sa mga mahahalagang nutrients.
Sa kabila ng pagsikat ng mga biotin supplements sa merkado, binibigyang-diin ng mga eksperto na hindi dapat umasa lamang sa supplements.
Mas mainam pa rin ang natural na pagkuha ng nutrients mula sa pagkain at ang pagkonsulta sa doktor bago uminom ng anuman supplements.
