dzme1530.ph

Mahabang pakikibaka sa isyu ng WPS, ibinabala ni Ret. SC Justice Antonio Carpio

Naniniwala si Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang alitan sa West Philippine Sea ay isyung kakaharapin ng mga Pilipino hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Bilang bahagi ng panel sa World Questions Program ng BBC, tinanong si Carpio kung mababawasan ba ang pagiging agresibo ng China matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas.

Idinagdag ni Carpio na bagaman iba’t ibang bansa ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay ng naturang usapin, ipinaalala niya na ang China ay mayroong pinakamalaking bilang ng Navy sa mundo, at isa rin aniya sa World’s Major Nuclear Powers.

Sa kabila naman ng mahabang pakikibaka, binigyang diin ng retiradong mahistrado na hindi dapat payagan ng Pilipinas na angkinin ng China ang West Philippine Sea.

 

 

About The Author