dzme1530.ph

Magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño sa Davao, nakatanggap ng halos P60-M assistance

Ipinamahagi ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kabuuang halos P60 milyong assistance sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño sa Davao region.

Sa seremonya sa Tagum City, Davao del Norte, ibinigay ang tig-P10 milyon sa mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental.

Sa sumunod namang seremonya sa Digos City, itinurnover ang 29.52 million pesos na financial assistance sa mga benepisyaryo mula Davao del Sur at Davao Occidental.

Samantala, ipinamahagi rin ng DSWD ang P10,000 na cash assistance sa mga benepisyaryo, gayundin ang iba’t ibang tulong mula sa Department of Labor and Employment, TESDA, DTI, at Philippine Coconut Authority.

Nag-turnover din ang Department of Agriculture ng iba’t ibang makinarya, kagamitan, at pasilidad.

About The Author