Inuga ng magnitude 5 na lindol ang Occidental Mindoro, alas-8:57 kagabi.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol, 24 na kilometro hilagang silangan ng Lubang, at may lalim na 67 kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 sa Quezon City habang instrumental intensity 1 sa Tagaytay City sa Cavite; at Calapan City sa Oriental Mindoro.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang inaasahan anumang pinsala mula sa lindol na tectonic in origin, subalit posible ang aftershocks. —sa panulat ni Lea Soriano