Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Lupi, Camarines Sur, kaninang 3:39 AM, Aug. 25, 2025.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na nakaramdam din sa iba pang lugar.
Naitala ang Intensity III sa Ragay, Camarines Sur, habang Intensity I naman sa Daet at Mercedes sa Camarines Norte, at sa Lungsod ng Iriga, Camarines Sur.
Inaasahan ang mga aftershocks at posibleng pinsala matapos ang naturang pagyanig.