dzme1530.ph

Magnificent 7, hindi sasali sa tigil-pasada; transport strike, hindi na uso, ayon sa ALTODAP

Hindi sasama ang Magnificent 7 sa tigil-pasada na ilulunsad ng Grupong PISTON at MANIBELA simula sa Lunes, Abril 15 hanggang 16.

Giit ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) President Melencio “Boy” Vargas, hindi na uso ngayon ang strike dahil ginawa na nila ito noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo.

Kaugnay nito, umapela ang lider ng grupo na huwag naman pahirapan ang mga mananakay, dahil nabigyan aniya ng pagkakataon ang mga transport group para makapagconsolidate.

Una nang sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena na nasa 30,000 na tsuper ng jeep ang inaasahan nilang sasama sa protesta sa Metro Manila at halos 100,000 iba pa ang sasali sa buong bansa.

Samantala, binubuo ang Magnificent 7 ng mga Grupong PASANG MASDA, ALTODAP, Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Stop and Go Transport Coalition, at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas.

About The Author