![]()
Ibinida ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang maganda at mabilis na performance ng Kamara de Representantes.
Sa talumpati ni Dy bago ang adjournment para sa Holy Week break, kinilala nito ang mga kasamahang kongresista, lalong lalo na si House Majority Floor Leader Sandro Marcos.
Labing pito (17) sa 52 LEDAC priority measures ang naipasa ng Kamara sa gitna ng kinakaharap na economic at global challenges.
Solid din umanong kumilos ang Kapulungan sa pagpapatibay ng mga kailangang batas upang maibsan ang epekto ng gulo sa Middle East.
Pangunahin dito ang HB No. 8418 para bawasan o suspindihin ang excise tax sa langis.
Hindi rin naiwan ang education reform measure, kabilang ang amendments sa Universal Access to Tertiary Education Act at Presidential Merit Scholarship Program.
Pumasa na rin ang Digital Payment Act, habang nasa plenary debate na ang long-awaited Anti-Political Dynasty Bill na naglunsad pa ng consultations sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
