dzme1530.ph

Mag-inang Honeylet Avanceña at Kitty Duterte, nasa The Hague na para bisitahin si FPRRD

Loading

Dumating ang common-law partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at kanilang anak na si Kitty, sa The Hague Penitentiary Institute.

Namataan si Kitty sa security registration area ng penitentiary, subalit hindi malinaw kung binigyan ito ng access.

Kapwa tumanggi ang dalawa na sumagot sa mga tanong ng media, subalit tumugon naman sila sa pagbati ng ilang supportres.

Una nang inihayag ni Vice President Sara Duterte na magtutungo sa Netherlands ang mag-inang Honeylet at Kitty para sa ika-80 kaarawan ng dating pangulo bukas, March 28.

About The Author