dzme1530.ph

Mag-asawang Discaya, posibleng ikonsidera bilang ‘hostile witness’

Loading

Posibleng ituring ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na “hostile witness” at maging respondent sa mga kaso ng katiwalian.

Babala ito ng Office of the Ombudsman dahil sa pagtanggi ng mag-asawang contractor na makipagtulungan sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na maaaring kasuhan ang mga Discaya ng malversation of public funds, falsification of public documents, at iba pang krimeng kanilang kinasasangkutan.

Idinagdag ni Clavano na handa ang Ombudsman na mag-move forward sa mga kaso laban sa mag-asawang Discaya kung patuloy silang magmamatigas.

Binigyang-diin pa ng assistant ombudsman na ang partisipasyon ng Discaya couple sa libo-libong bids at corruption schemes ay masyadong seryoso para ibasura at malabong sila ay maging state witness.

About The Author