Hindi kuwalipikadong maging state witness ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, ayon kay House Infrastructure Committee Chairperson Terry Ridon.
Ito’y sa kabila ng pag-amin ng mag-asawa na nagbayad sila ng mga opisyal ng pamahalaan para makakuha ng kontrata sa gobyerno.
Paliwanag ni Ridon, hindi matutuloy ang mga payoffs kung hindi rin sangkot ang mga ito.
Sa ilalim ng batas, dapat hindi “most guilty” ang nais maging state witness, bagay na hindi aniya tugma sa kaso ng mga Discaya.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi nila paniniwalaan ang paulit-ulit na depensa ng mag-asawa na napilitan lamang ang mga ito, lalo’t mahigit 15 taon na silang contractors ng mga government projects.