Tiniyak ng Senate Blue Ribbon Committee na bibigyan ng proteksyon ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, matapos pangalanan ang ilang kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways at iba pang opisyal na umano’y binibigyan nila ng komisyon sa mga proyekto.
Ayon kay Sen. Rodante Marcoleta, irerekomenda niya sa Senate President na maisailalim ang mag-asawa sa proteksyon ng Senado.
Nakipag-ugnayan na rin umano si Marcoleta kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nangakong handang protektahan ang mag-asawa basta’t mapatunayan na hindi sila “most guilty” sa kontrobersyal na flood control projects.
Bahagi rin ito ng paghahanda sa aplikasyon ng Discaya couple sa state witness program.
Samantala, pinayuhan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mag-asawa na gamitin ang kanilang bulletproof cars para masiguro ang kanilang kaligtasan.