Arestado sa isinagawang joint operation ang mag-asawang Chinese national dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na brand ng Vape sa Baclaran lungsod ng Parañaque.
Katuwang sa joint operation ang DTI Fair Trade Enforcement Bureau at ng PNP Southern Police district, kung saan nahuli ang may-ari ng isang nagpapangap na milk tea shop sa Panganiban Baclaran.
Ayon kay DTI FTEB Director Philipp Sawali, ang naturang store ay lumabag sa section 9 ng Republic Act 1900 o pagbebenta ng naturang produkto na malapit sa school vicinities.
Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa mahigit 400 na kahon ng Flava vape products malapit mismo sa Baclaran Elementary School.
Tinatayang aabot naman sa P25 million ang halaga ng mga nakumpiskang vape mula sa mga dayuhan.
Inaalam na rin kung mayroon business permit ang naturang mga dayuhan para mag-operate ng nasabing tindahan at kung legal ba ito para magtinda ng nasabing produkto.