dzme1530.ph

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, magkaka-baby no. 2 na

Loading

Excited na ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, sa pagdating ng kanilang Baby no. 2.

Kahapon ay inanunsyo ng aktres sa Instagram ang kanyang pagbubuntis sa ikalawa nilang anak ni Billy.

Sa video na ipinost ni Coleen, makikitang nakasuot siya ng green bikini habang nasa pool, kaya kitang-kita ang kanyang baby bump.

Nakayakap sa kanya ang panganay na anak na si Amari, habang hinalikan siya sa pisngi ni Billy.

Ikinasal sina Coleen at Billy noong 2018 habang isinilang si Amari noong 2020.

About The Author