dzme1530.ph

Mag-asawang American national hinarang sa NAIA T4 matapos nakuhanan ng liquid marijuana

Hinarang ng mga tauhan ng PDEA at PNP-Aviation Security Group ang mag-asawang American national matapos makuhanan ng vape na naglalaman ng liquid marijuana sa NAIA Terminal 4.

Sa report ng PDEA natuklasan ng OTS personnel ang dalawang manipis na maliliit na vape ng pasahero nang dumaan ang mag-asawa sa final security checkpoint kung saan isa dito ay may laman na liquid marijuana.

Paliwanag ng babaeng pasahero ginagamit niya ang liquid marijuana bilang medicine sa kanyang sakit.

Papaalis sana ang mag-asawa sakay ng Air Swift flight T6-0142 patungong El Nido para magbakasyon.

Wala nang nagawa ang pasahero kundi umiyak dahil hindi tinanggap ng PDEA personnel ang kanyang paliwanag bagamat legal sa kanilang bansa ang liquid marijuana bilang gamot. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author