Binenta ng mag-asawang Zhang at Teng ng Shanghai, China ang kanilang bagong silang na anak para lang mabili ang kanilang mga mamahaling luho.
Sa kagustuhan ng mag-asawa na mabili ang kanilang pinaka-mimithing iPhone at sneakers doon pumasok sa isip nilang ibenta ang kanilang anak sa halagang 50,000 yuan o $8,000.
Pero ng makarating ito sa pulisya, agad nilang binantayan ang mag-asawa at agad ding inaresto sa kasong human trafficking.
Sa paliwanag ng mag-asawa nagawa nilang ibenta ang anak, dahil wala umanong magandang kinabukasan ang bata sa kanilang puder lalo’t wala silang pera pang suporta dito.
Ngunit ayon sa mga otoridad hindi kapani-paniwala ang dalawa, nang mapag-alamang matapos maibenta ang sanggol ay na track sa kanilang credit card bill na gumastos sila ng malaki sa pagbili ng iPhone at sneakers.