dzme1530.ph

Mag-amang Rodrigo at Sara Duterte, pinasaringan tungkol sa kanilang katapatan

Dapat suriin ng mga politikong tahimik sa mga iligal na hakbang ng China sa West Philippine Sea pero maingay naman sa pag-depensa sa kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy, ang kanilang mga prayoridad.

Ito ang pasaring ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, sa mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte na kapwa pinalagan ang umano’y “excessive force” ng pulisya sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Sinabi ni Tarriela na walang anumang naging komento ang mag-amang Duterte nang malagay sa hindi makatao at “barbaric harassment” ng China ang mga sundalo at coast guards na nagsasagawa ng medical evacuation sa Ayungin Shoal.

Gayunman, nang paligiran aniya ng mga pulis ang mansyon ang puganteng pastor ay napakahabang statements na may kasama pang pagkondena ang binitawan ng mag-ama.

Idinadag ni Tarriela na dahil dito, hindi niya maiwasang mapaisip kung na-kanino nga ba ang loyalty ng dating Pangulo at ng kasalukuyang Bise Presidente.

 

About The Author