dzme1530.ph

Madalas na foreign trips ni Health Sec. Herbosa, pinuna sa Senado

Loading

Pinuna ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang madalas na paglabas ng bansa ni Health Secretary Ted Herbosa.

Sinabi ni Cayetano na sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa gaya ng bagyo at lindol, at pagtaas ng kaso ng may flu-like symptoms, ay nagagawa pa rin ng kalihim na mangibang-bansa.

Batay sa records na nakita ni Cayetano, mula nang manungkulan si Herbosa sa DOH, aabot na sa mahigit 20 ang kanyang foreign trips.

Ginawa ni Cayetano ang pagsita sa gitna ng kanyang pagpuna sa mga hindi napakikinabangang super health centers sa bansa.

Nais sana ng senador na mahingan ng paliwanag si Herbosa sa mga hindi pa rin operational na super health centers, subalit napag-alaman na nasa official trip sa ibayong dagat ang kalihim.

About The Author