dzme1530.ph

MABILIS NA TRANSITION SA PAGGAMIT NG ELECTRIC VEHICLES, IPINANAWAGAN

Loading

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangang bilisan na ang transition patungo sa paggamit ng mga EV o electric vehicle upang maprotektahan ang lokal na ekonomiya mula sa fuel shock o sobrang pagtaas ng presyo ng langis.
 
Sinabi ni Gatchalian na dapat magsilbing wake up call ang patuloy na kaguluhan sa Middle East.
 
Para anya mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis dulot ng tensyon, kailangang bilisan ng pamahalaan ang suportang imprastraktura, gaya ng mga charging station, upang mahikayat ang mas maraming organisasyon at indibidwal na gumamit ng EV.
 
Sa ilalim ng Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry (CREVI), may target ang pamahalaan na magkakaroon ang bansa ng 7,300 vehicle charging stations sa taong 2028, kumpara sa mas ambisyosong layunin na 66,500.
 
Ang CREVI ay ipinatupad kasunod ng pagsasabatas ng Electric Vehicle Industry Development Act o EVIDA noong 2022 na iniakda ni Gatchalian, upang suportahan ang paggamit ng EV sa buong bansa. 

About The Author