Kailangan ng agarang aksyon ng gobyerno paa sa mga Pinoy sa Taiwan na nangangailangan ng suporta kasunod ng malakas na lindol.
Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kasabay ng pahayag ng suporta sa mamamayan sa Taiwan para sa kanilang agarang pagbangon.
Hinimok din ni Pimentel ang Department of Foreign Affairs na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga Pilipino na apektado ng kalamidad.
Dapat anyang maging mabilis ang aksyon ng gobyerno at ibigay agad ang kinakailangang suporta sa mga kababayan natin sa Taiwan at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Patuloy naman ang panalangin ni Sen. Risa Hontiveros para sa mga indibidwal na naapektuhan ng lindol.
Tiwala rin ang senador na minomonitor ng Manila Economic and Cultural Office ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Taiwan upang agad na maibigay ang kanilang pangangailangan kung mayroon man.