Sinita ni Senator Sherwin Gatchalian ang kawalan ng pagaksyon ng pamahalaan sa lumalalang problema sa mental health sa Pilipinas.
Ayon kay Gatchalian, nakababahala na ang tumataas na trend sa mental health problem lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bagamat natutuwa sa improvement, ay malungkot pa rin ang senador dahil ngayong taon pa lang magpapatupad ng outpatient financing program ang PhilHealth para sa mga nakararanas ng mental health problem.
Dahil dito, hinimok ni Gatchalian ang gobyerno partikular na ang DOH at PhilHealth na dapat gawin ang lahat ng paraan para maputol ang tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng mga may problema sa mental health. —sa panulat ni Jam Tarrayo