dzme1530.ph

Maayos na pagtuturo ng math, science at reading, dapat tutukan kaysa CSE

Mas dapat tutukan ng Department of Education ang pagpapahusay sa pagtuturo sa mga estudyante ng Math, Science at Reading sa halip na unahin ang Sexuality Education.

Ito ang iginiit ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa isinusulong na panukala para sa Mandatory Comprehensive Sexuality Education (CSE).

Sa pagdinig sa Senado, binigyang-diin ni Sereno na nakita naman sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) na mababa ang grado ng mga estudyanteng Pilipino sa Math, Science at Reading.

Binigyang-diin ni Sereno na inilalantad lamang sa CSE ang mga bata sa sexuality education na hindi angkop sa kanilang murang isip gaya ng sexual behavior, same sex union, sexual pleasure at mga sensitibong usapin gaya ng paggamit ng condom.

Kahit aniya mga guro ay nag-aalangang ituro ang mga ito lalo na kung dalaga pa sila.

Tinukoy pa ng dating chief justice na ang Singapore na itinigil ang pagtuturo ng CSE at nakitang mas epektibong ituro ang abstinence bago ang kasal para maiwasan ang sexually transmitted infections at maagang pagbubuntis.

Binigyang-diin naman ni Sen. Risa Hontiveros na sa Singapore itinuturo rin ang contraception, mga posibleng epekto ng casual sex at ang pagtanggi sa sexual advances. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author