dzme1530.ph

Maaring malalang aksidente sa West Philippine Sea, ikinabahala ng AFP

Nababahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad ng mas malalang mga aksidente na maaring gawin ng China sa susunod na resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na sa nakaraang insidente ay parang pinitik lang ang Pilipinas sa tenga subalit nakababahala dahil posibleng sadyain na talaga ng China ang pagbangga sa Philippine Vessels na maaring maglagay sa peligro sa mga pasahero.

Binigyan diin ng AFP na ayaw nila ng giyera, at pinu-protektahan lamang nila ang Exclusive Economic Zone (EEC) ng bansa.

Noong linggo ay sadyang hinarang ng China ang mga barko nito sa Ayungin Shoal upang pigilan ang pagpasok ng resupply boats patungong BRP Sierra Madre dahilan para bumangga ang Philippine Vessels sa mas malalaking Chinese Ships.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author