dzme1530.ph

MAAGANG PAGDEDEKLARA NI VP SARA NG KANDIDATURA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION, STRATEGIC DECISION, AYON SA ISANG MAMBABATAS

Loading

Posibleng magresulta sa “reshaping at political alignments” ang anunsyo ni Vice President Sara Duterte na kumandidatong presidente sa 2028. 

 

Ayon kay House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, isa itong strategic decision para palakihin o palakasin ang kanyang taga-suporta. 

 

Estratehiya din aniya ito upang makita kung sino ba talaga ang totoo nitong kakampi. 

 

Gayunman, nanindigan si Defensor na hindi naman ito mangangahulugan na mauunsyami ang constitutional process sa kinakaharap nitong impeachment complaint. 

 

Iniwasan ni Defensor na magbigay ng personal na opinyon sa kaso, subalit isa lang aniya ang tiyak, makakarating sa House Committee on Justice ang tatlong impeachment complaints laban sa Pangalawang Pangulo. 

 

Inamin din ng mambabatas na hindi niya nakikita ngayon ang fast track elevation ng complaint sa Senado. 

 

Binigyan diin nito na bagaman halos kopya lang ng 2025 impeachment raps ang laman ng 2026 complaints, subalit magkaiba umano ang kabuuan ng 19th at 20th Congress.

About The Author