dzme1530.ph

M4GG, nagpahayag ng suporta kina Mayors Teodoro, Sotto at Treñas

Nagpahayag ng buong suporta ang “Mayors for Good Governance” (M4GG) sa tatlong convenor nito na inireklamo ng graft sa Office of the Ombudsman.

Kinondena ng M4GG ang anila politically motivated attack laban kina Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, at Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Sa kabila nito, pagkakataon naman ito sa tatlong alkalde na malinis ang kanilang sarili sa mga gawa-gawang bintang.

Naniniwala ang M4GG na kunektado sa nalalapit na 2025 midtern elections ang kaso.

Si Sotto ay nahaharap sa graft complaint dahil sa umano’y kabiguan nito na maipamahagi ang cash allowances sa mga empleyado ng Pasig City Hall, at pagbibigay ng tax discount sa isang kumpanya ng telecommunication.

Si Teodoro ay kinasuhan ng technical malversation dahil sa ‘misuse of PhilHealth fund,’ samantalang si Treñas ay inireklamo ng “grave misconduct” dahil naman sa pagpa-pa-demolish ng ‘historic Iloilo City public market.’

About The Author